Masakit sumunod kay Kaligayahan
Wari ba'y ilalakbay ka niya
Paliliparin tungo sa kalawakan
Tapos ilalaglag
Babangon, sugat at hapdi
Hihilumin ni Kaligayahan
Paliliparin tungo sa kalawakan
Tapos mauulit muli ang karahasan
Lipad, laglag
Hindi maalis ang pagtataka
Kailan magwawakas ang paglipad?
Kailan maglalaho ang paglaglag?