Gusto kong umiyak para ilabas ang kalungkutan ngunit hindi ko magawa. Tila ba sawa na ako sa kaiiyak ngunit ang kalungkutan ay magpakailanman hindi nagsawa sa akin.
Naisip ko na kapag ang luha ay tumulo, pagkatapos titila rin ang pag-iyak. At pagkatapos umiyak ay wari bang bago nanaman ang umaga na may dalang kasiyahang inaasam. Ngayong hindi na ako makaiyak; ang kalungkutan ay laging sariwa sa aking kalooban... at ang umaga ay hindi ko na makita sapagkat ang mga mata'y nalulom na sa kapighatiang hindi na makawala sa aking katauhan.
Gusto kong umiyak ngunit hindi na tumutulo ang mga luha.